Dog vaccination sa Legazpi City nagresume na matapos maapektuhan ng pagtaas ng kaso ng Covid-19

LEGAZPI CITY – Halos ilang buwan natigil ang Dog vaccination sa mga barangay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease (covid)19 sa lungsod ng legazpi.

Ayon  kay Dr Emmanuel Estipona, ang City Veterinary Officer (Vet) ng lungsod, tiniyak nito sa mga susunod na mga araw o linggo ay makakapagsagawa na ng dog vaccination sa mga barangay oras na bumaba na ang kaso ng covid 19.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, nasa 29 na barangay pa lang ang kanilang nababakunahan na aso kung saan mayroon pang 50% ang kanilang dapat nitong mabakunahan ng nasabing hayop.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Maliban pa rito, naghihintay din ito ng gamot na darating na ibabakuna sa mga aso dahil sa nauubusan rin ito ng bakuna.

Sinabi ng opisyal, target din nito na bago magtapos ang taon na 2021 ay mabakunahan ang lahat na mga aso upang maprotektahan din ang mga legazpeño sa sakit na Rabies.