DHSUD, hinimok ang CREBA na mapalakas pa ang suporta sa 4PH Program

Hinimok ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang Chamber of Real Estate Builders’ Association Inc. (CREBA) na palakasin ang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng gobyerno.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Ito ay kasunod sa ginawang panawagan ni Acuzar sa natapos na Taunang Pambansang Kombensiyon ng CREBA sa Clark, Pampanga.

Ayon sa kalihim, bagaman nahaharap sa hamon ang mga partner-developer, determinado silang makagawa ng mas maraming housing units.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sa huli, tiniyak ni Acuzar suporta sa mga inisyatiba ng CREBA sa pagpapakilos sa mga miyembro nito tungo sa paggawa ng pagbabago sa sektor ng pabahay at pag-unlad ng lungsod sa bansa.