Chinese nat’l na nanutok ng baril sa kapwa Chinese, arestado sa Parañaque

Sa kulungan ang bagsak ng isang Chinese national matapos tutukan ng baril ang kapwa Chinese sa Parañaque.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng isang SUV ang dalawa nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Dahil dito, agad na bumunot ng baril ang suspek at tinutukan ang biktima kaya inihinto nito ang sasakyan at humingi ng tulong sa mga pulis.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Narekober sa suspek ang isang 9mm pistol na kargado ng limang bala.

Kulong ang suspek at mahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa gun ban at Comprehensive Firearms and Ammunitions Act.