P2.2-M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Calatagan, Batangas

Aabot sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Ermitanio, Barangay Biga sa Calatagan, Batangas.

Arestado sa operasyon ang suspek na si alyas Alwin, 48-taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Read More:  7 fishermen reported missing after fishing vessel sinks off Palawan

Nakumpiska sa suspek ang 142 kahon ng umano’y smuggled na sigarilyo na ikinategorya bilang mga ipinagbabawal ayon sa BIR na may halaga na Php2,212,000.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Nasa kustodiya na ngayon ng Calatagan Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at pagproseso sa kaso nitong paglabag sa Seksyon 144, 262 at 263 ng National Internal Revenue Code.