POGO, nasa residential area na?

Napag-alaman ng National Bureau of Investigation (NBI) na tila bumubuo na umano ng residential areas ang mga grupong sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) upang patuloy pa ring makapag-operate.

Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, bumubuo umano ang mga malalaking POGO ng maliliit na grupo bago ito umupa ng residential units o apartments, para hindi mahalata na POGO at makapagpatuloy pa rin ang kanilang operasyon.

Read More:  Malacañang admits corruption issues hit economic growth
Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring hinihimok ng mga otoridad ang mga foreign POGO workers na magdowngrade na ng kanilang visa dahil ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mayroon na lamang silang hanggang katapusan ng taon para umalis ng bansa.