Manila North and South Cemetery – handa na sa Undas

Naglabas na ng abiso ang ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa paggunita ng Undas sa Manila North at South Cemeteries mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Magbubukas ang mga sementeryo mula 5:00 am hanggang alas-7 ng gabi.

Sa mga araw na ito, ipagbabawal pumasok ang mga sasakyan, habang ang mga libing at cremation ay ipagpapaliban.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Papayagan naman ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak, basta may tag mula sa Manila Department of Social Welfare para sa mabilis na pagkakakilanlan sakaling mawala.

Ipagbabawal din ang mga nagtitinda, at mga pribado o pampulitikang grupo na magdaos ng event. Tanging ang mga tent at tarp mula sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ang papayagan.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Paalala rin ng LGU sa publiko, bawal pa rin magdala sa loob ng sementeryo ng ng armas, matatalim na bagay, alak, mga alagang hayop, malalakas na sound system, at mga flammable materials tulad ng alcohol at thinner, sigarilyo, at lighter.