Afterschocks, inaasahan matapos ang pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Batangas

Inaasahan na ng PHIVOLCS ang aftershocks matapos yanigin ng magnitude 6.7 na lindol ang probinsya ng Batangas ngayong umaga lamang.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol kaninang alas-4:49 ng umaga.

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test

Naitala ito sa layong 16 km mula sa timog-kanluran ng Calatagan at may lalim na 116 km.

Naramdaman rin ang pagyanig sa Metro Manila, Cavite, Tagaytay, at iba pang kalapit na lugar.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nairehistro rin ng PHIVOLCS ang Intensity 3 sa Taguig City at sa San Juan del Monte, Bulacan.

Samantala, tatlong minuto lamang matapos ang inisyal na pagyanig ay naramdaman ang 5.1-magnitude na aftershock sa layong 12 kilometers timog kanluran ng Calatagan.