2nd alarm, itinaas sa Marikina River

Itinaas na ng mga otoridad ang ikalawang alarma sa Marikina River nitong Sabado matapos ang pagtaas ng water level nito dahil sa nagpapatuloy na malakas na pag-ulan.

Ayon sa mga otoridad ay umabot na sa 16 meters above sea level ang taas ng tubig sa Marikina River.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Sinabi ng Marikina City Public Information Office na binuksan na nito ang lahat ng walong gates ng Manggahan floodway.

Samantala, oras na umabot sa 18 meters ang alarma, ay ipatutupad na ng lokal na pamahalaanang forces evacuation.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Pero bago pa man umabot ito sa unang alarma, ay nakapagsagawa na ng preemptive evacuation ang LGU.

Mababatid na binaha na ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa walang humpay na pag-ulan.