DMW, tiniyak ang tulong para sa mga OFW na nakauwi ng bansa mula sa Lebanon

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makakatanggap ng agarang tulong pinansyal ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakauwi ng bansa mula sa Lebanon.

Kasunod ito sa siyam na OFW na voluntary nag-avail sa repatriation program ng pamahalaan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng P75,000 mula sa DMW AKSYON Fund, P75,000 mula sa OWWA, at P20,000 mula sa DSWD bilang livelihood assistance, kasama na ang skills training vouchers mula sa TESDA.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa huli, siniguro ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ibibigay nila ang lahat ng kinakailangang suporta para sa produktibong reintegration ng mga repatriates.