PNP, pumasok sa kasunduan sa pagitan ng isang courier service para palakasin ang laban sa drug trafficking

Pumasok sa isang kasunduan ang Philippine National Police sa pagitan ng JRS Business Corporation and Transportify Philippines.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group director PBGEN Eleazar Matta, inaasahang mas mapapalakas nito ang kanilang hakbang laban sa drug trafficking.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ito’y sa harap ng lumalaking banta ng paggamit ng delivery services sa pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

Ang PDEG, kasama ang Special Operations Units, ang magmo-monitor at haharang sa mga iligal na droga na dadaan sa courier service.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantalang ang courier service naman ang magpapatupad ng mga patakaran para sa isang drug-free workplace at magbibigay ng impormasyon sa PDEG ukol sa mga kahina-hinalang aktibidad.