Dating Pang. Duterte, nilaglag ni Garma

Isiniwalat ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma na inutusan siya noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng opisyal para sa pagpapatupad ng Davao Model noong panahon ng war on drugs.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Kung saan, hiniling pa umano nito na humanap siya ng isang miyembro sa PNP na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, na kayang ipatupad ang war on drugs nang national scale.

Ipinaliwanag din ni Garma na ang Davao Model ay isang sistemang kinasasangkutan ng pagbabayad at pagbibigay gantimpala na may tatlong lebel;una ay ang pabuya kung mapatay ang suspek;pangalawa, ay ang pagpopondo sa mga nakaplanong operasyon (o COPLANS); at pangatlo, ay pagrefund sa mga operational expenses.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing