Barkong hinihinalang sangkot sa paihi ng langis, naharang ng PCG sa Bulacan

Hindi nakalusot ang isang motor vessel na hinihinalang sangkot sa paihi o iligal na pagpapasa ng langis sa karagatan ng Obando, Bulacan.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Na-ispot-an ang barko ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng maritime patrol

Dito na natuklasan na walang mga dokumento ang motor vessel, at may karga pang mga ilegal na langis na hinihinalang galing sa pa-ihi.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Arestado ang lulan nitong walong tripulanteng Pilipino, na kasalukuyang nasa kustodiya ng PCG.