Porac mayor at 10 iba pa – sinuspinde ng Ombudsman

Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil, Vice Mayor Francis Laurence Tamayo at siyam na iba pang opisyal ng pamahalaang bayan.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Ang suspensyon ay may kaugnayan sa inihaing gross neglect of duty na inihain ng DILG kaugnay sa operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga.

Layon ng suspensyon na masigurong patas at hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kaso.

Read More:  House prosecution drops Sara Duterte bribery charge

Nauna nang sinalakay ng mga awtoridad noong Hunyo ang Lucky South 99 sa Porac na sangkot sa human trafficking.