PNP – tiniyak ang karagdagang seguridad Shariff Aguak matapos ang kaguluhan sa huling araw ng COC filing

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang karagdagang seguridad ng Shariff Aguak, Maguindanao, at iba pang lugar matapos ang filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Ito ay matapos mauwi sa barilan ang paghahain ng kandidatura sa lugar.

Read More:  Palace urges public not to hoard bottled water amid super El Niño

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nakikipagtulungan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa seguridad sa naturang lugar.

Aniya, sisilipin din umano ng PNP kung failure of intelligence ang insidente na nagresulta sa pagkasawi ng isa at pagkasugat ng anim.

Read More:  Political analyst says Baste Duterte could be ‘Plan B’ for 2028

Sa ngayon, pinadadagdagan rin ng ahensya ang unannounced checkpoints at border control sa mga lugar na may mahigpit na political rivalry.