PH, nagtala ng 6,845 new COVID-19 cases — pinakamataas ngayong Hulyo

Naitala ng Department of Health ang 6,845 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamataas na naitala ngayong buwan ng Hulyo, sa kabila na hindi naisama ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng datos.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dahil dito, nasa 55,069 na ang active cases mula sa 1,537,097 na kabuoang kumpirmadong coronavirus cases, kung saan 94.7 percent dito ay mild o asymptomatic.

Samantala, naitala rin ng DOH ang 2,330 na mga bagong recoveries, dahilan para tumaas ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa respiratory disease sa 1,455,137.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Hindi naman nakapagtala ang ahensya ng mga bagong fatalities, dahil sa technical issues sa case reporting system.

Kaparehong isyu rin ang naranasan sa reporting ng case update noong Huwebes. // MHEL PACIA-TRINIDAD