Nograles Siblings – kakalabanin ang mag-amang Duterte

Opisyal nang tatakbo bilang Alkalde ng Davao City si dating Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles.

Pasado alas-nwebe ng umaga nang maghain si Nograles ng kanyang Certificate of candidacy o COC sa COMELE- Davao City office.

Kahapon ay pormal nang nagbitiw si Nograles bilang Chairperson ng CSC.

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Makakaharap nito si dating pangulong Rodrigo Duterte na naghain ng kanyang COC kahapon.

Ayon kay Nograles, isa sa mga rason sa pagkandidato bilang Alkalde ng Davao City ay mga gusto niyang gagawing pagbabago sa siyudad.

Kagaya nalamang ng digitalization upang mapabilis ang transakyon sa Lungsod.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Tatakbong independent o walang partido si Nograles.

Kasabay ni Nograles na nag-file ng kanyang COC ngayong araw, ang kanyang kapatid na si PBA Representative Atty. Migs Nograles na tatakbong 1st district Representative ng siyudad.

Makakaharap naman nito si incumbent Representative Paolo Duterte. (with reports from JULIUS PACOT – 93.1 BNFM DAVAO)