SoKor’s Yoon – inalala ang Korean War veterans

Binigyang-pugay ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang mahalagang papel ng mga beteranong Pilipino at South Korean noong panahon ng Korean War.

Bahagi ng state visit ni President Yoon sa bansa ang pag-aalay ng bulaklak sa Korean War Memorial Pylon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie De-maala, kinilala sa seremonya ang katapangan at sakripisyo ng mga miyembro ng Philippine Expeditionary Force to Korea na nakipaglaban kasama ang mga sundalong Koreano laban sa pwersa ng North Korea at Chinese People’s Volunteer Army noong Korean war.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Kinilala rin ng pamunuan ng Philippine Army ang kahalagahan ng pagbibigay-pugay sa mga beteranong nagpakita ng kanilang tibay at tapang noon panahon ng giyera.