COMELEC – nakapagtala ng 7.4M na nakapagparehistro sa darating na eleksyon

Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng mahigit 7.4 milyong indibidwal na nagparehistro bilang botante para sa midterm elections sa Mayo 2025.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Ayon sa COMELEC, mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30, umabot sa 7,427,354 aplikasyon ang na-iproseso.

Nanguna ang CALABARZON na may mahigit 1.2 milyon, sinundan ng National Capital Region na halos isang milyon, at Central Luzon na higit 834,000.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Habang ang Cordillera Administrative Region naman ang may pinakamaliit na bilang na 111,410.