Luis at John, nagpasalamat sa bagong viewership record ng “Rainbow Rumble”

Nagpasalamat ang Pambansang Host na si Luis Manzano at si Direk John Prats para sa panibagong all-time high viewership record ang “Rainbow Rumble” na umabot sa 519,495 combined peak concurrent viewers noong nakaraang Sabado at Linggo (Setyembre 28 at 29).

Read More:  Andrea Brillantes opens up about alleged friendship fallout with Bea Borres

Sa insatagram post, nagpamasalamat sila sa ibinibigay na pagmamahal ng mga manonood matapos mag-top trending topic.

Kaugnay nito, nanguna sa trending topics ang OPM group na BGYO sa X. Naglaro sa show ang members nito na sina Akira, Mikki, JL, Nate, at Gelo, kung saan nanalo si Akira ng P82,000 sa jackpot round.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Samantala, sumali naman ang PBA Motoclub members na sina Ryan Araña, Jerwin Gaco, Cyrus Baguio, KG Canaleta, at Rico Maierhofer kung saan nanalo naman si Ryan ng P80,000.