CHR – nanawagan sa publiko laban sa stigma at diskriminasyon sa MPOX

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa publiko na alisin ang stigma sa pagkalat ng mpox virus.

Ito ay matapos kumalat ang maling impormasyon na isa raw sexually transmitted disease ang sakit na mpox.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ayon sa CHR, mahalagang iwasan ang diskriminasyon upang hindi makapinsala sa mga apektadong indibidwal at komunidad.

Binigyang-diin din ng CHR na ang mpox ay hindi dapat iugnay sa anumang gender identity o sexual orientation kung saan ang stigmatizing narratives ay naglilihis sa atensyon mula sa mga pangunahing isyu sa pampublikong kalusugan.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Kaugnay nito, nananawagan naman ang CHR para sa agarang pagpasa ng SOGIESC Equality Bill at Comprehensive Anti-Discrimination Bill.