Na-monitor na bilang ng mga barko ng China sa WPS, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga barko ng China sa mga islang nasasakupan ng bansa sa West Philippine Sea.

Batay sa datos ng Philippine Navy, 178 na mga Chinese vessels ang na-monitor mula September 24 hanggang 30, 2024.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Mas mababa ito sa record-high na 251 na mga barko na namataan sa WPS mula September 17-23, 2024.

Pinakamarami sa namataan ay Chinese Maritime Militia Vessels sa 131.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Labing pitong People’s Liberation Army Navy Vessels din ang na-monitor sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Parola Island, Likas Island, Lawak Island, Panata Island, Rizal Reef, Sabina Shoal at Iroquois Reef.