Ika-8 Regatta isinagawa sa Olongapo City

Dumagsa ang mga lumahok at nanood sa isinagawang ikawalong Regatta ng Olongapo City sa Driftwood Beach, Barretto nakalipas na Sabado.

Ito ay ang paligsahan ng mga tila maliliit na bangka na gawa mula sa mga recyclable materials.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Lumahok ang iba’t ibang grupo at indibidwal bilang pakikibahagi sa Making Riverth Possible ng Pamahalaang Panlungsod ngayong taon.

Sa open category ay nagkampyon ang Kuntaw ng Pilipinas na sinundan ng Sarap Buhay at Kalye Onse/Top Us habang sa school category naman ay nanguna ang Mabayuan Senior High School Little Sharks sinundan ng CELTECH Seafarers at ng CELTECH Sarap Buhay.//Jen Bayot

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park