PHIVOLCS – hindi itataas sa alert level 2 ang bulkang Taal matapos ang naitalang mga phreatic eruptions

Nilinaw ng PHIVOLCS na normal lang ang mga naitatalang phreatic eruptions sa Bulkang Taal.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol – sinabi nitong hindi pa ito dahilan para itaas sa alert level 2 ang bulkan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Tska pa lamang daw ito gagawin sa oras na mayroon nang paggalaw o activity sa magma nito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa nakalipas na 24 oras – naitala ang tatlong phreatic eruption events.

Mayroon namang dalawang volcanic tremors; at naibugang 3,176 tonelada ng sulfur dioxide, at 2,400 metrong taas na plume.