Hindi na kinwestyon at agad nang pinalusot ng Senate Committee on Finance ang P10.5 bilyon na proposed budget ng Office of the President bilang pagpapakita ng interparliamentary courtesy.
Si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang nag-mosyon dito na agad namang sinuportahan nina Senadora Nancy Binay at Senadora Grace Poe na siyang tumatayong chair ng komite.
Kasunod nito, matapos ang presentasyon ni Executive Sec. Lucas Bersamin at opening statement ni Estrada ay ti-nerminate na ng Senado ang briefing sa loob lamang ng walong minuto.
Maalala, umabot sa loob ng kulang isang oras ang pagtalakay ng House Committee on Appropriations tungkol dito.