AFP: Mga tropa sa BRP Sierra Madre – hindi gutom

Matapos na magksakit at magutom ang mga tauhan ng BRP Teresa Magbanua – tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa maayos na kondisyon ang mga tropa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Read Admiral Roy Vincent Trinidad, mayroon pang sapat na suplay ng pagkain, tubig at gamot ang BRP Sierra Madre.

Dagdag pa ni Trinidad, ‘masigla’ at ‘mataas ang morale’ ng tropa doon.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Samantala, tumanggi namang magbigay ng detalye ang opisyal sa kung kailan ang susunod na resupply mission sa barko.

Aniya, ang Western Command na sa Palawan ang may diskresyon sa kung kailan ang susunod na gagawing resupply mission.