“Angels of Death” ni Quiboloy – iimbestigahan ng Army

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Army sa Philippine National Police para maberipika kung may mga reservist na kasama umano sa “Angels of Death” ni Apollo Quiboloy.

Ayon kay Army Deputy Spokesperson Col. Rey Balido, wala pa silang kumpirmasyon sa mga reservist na kasapi umano sa naturang grupo.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Paliwanag nya, mahigpit na makikipag-ugnayan ang militar sa concerned agencies partikular ang PNP hinggil sa ulat.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maaalalang nauna nang kinumpirma ng PNP na ang Angels of Death ay isang grupo na panakot umano ni Quibuloy sa mga biktima nito ng pang aabuso.