Special Tracker Team, binuo sa paghahanap kay Roque

Bumuo na ng Special Tracker Team ang Philippine National Police para sa paghahanap kay Atty. harry Roque.

Ito ay makaraang madawit ang pangalan ni Roque sa umano’y illegal POGO operations sa bansa at ngayo’y tinawag nang pugante ng mga dati nitong kasamahan sa Kamara.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, committed ang Pambansang Pulisya sa kanilang mandato na ipatupad ang batas at sinisiguro din nitong ipatutupad ang manhunt laban kay Roque na may highest level of professionalism at paggalang sa due process.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Una nang sinabi ng PNP na wala sa dalawang address nito sa Metro Manila si Roque matapos nilang isilbi ang arrest order mula sa Kamara.