DOJ, iniimbestigahan na ang umano’y P1-B na alok ni Guo para makalusot sa kaso

Tiniyak ni Justice Sec. Boying Remulla na sineseryoso nila ang umano’y tangkang panunuhol ni dismissed Bamban mayor Alice Guo para makalusot sa kaniyang mga kaso.

Una na kasing sinabi ni dating senador Ping Lacson na ‘di umano’y may nilapitan ang kampo ni Guo at nag-alok ng P1-B na bribe.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Sabi ni Remulla, tinutumbok na nila ang naturang impormasyon at paniguradong may mananagot dito.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Naniniwala rin siyang hindi basta-basta si Guo at ang naturang kaso, kaya marami talagang perang pinaiikot para mailigtas ang dating alkalde.