IATF on infectious diseases, ‘di pa kaillangang i-activate – DOH

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na hindi nila i-a-activate ang IATF sa gitna ng nagpapatuloy na community transmission ng mpox.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, hindi nila nakikita ang pangangailangan na i-activate ang IATF kahit pa umano umabot sa 100 ang mga kaso nito.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Nananatili aniya kasing pareho ang management, at mababa rin ang risk ng pagkamatay sa mpox.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Sa huli, nilinaw rin ni Herbosa na walang mangyayaring border lockdown, at walang mandato kaugnay ang mask at face shield.

Sa kabila niyan, inirerekomenda ng ahensya ang pagkakaroon ng hand hygiene.