Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi naman sila ang nagdedetermina kung saan dapat ilagay na kustodiya si Alice Guo.
Ito ay matapos ngang mahuli na si Guo sa Indonesia, at mapauwi na ito sa bansa.
Ayon kay Abalos, judge ang magsasabi at magdedesisyon kung saan dapat dalhin ang nasibak na alkalde.
Kaugnay nito, tungkulin umano ng ahensya na sundin ang utos kung saan isailalim na kustodiya si Guo.
Sinabi ng kalihim na magandang magkausap ang Senado at ang Korte kung saan ba dapat dalhin si Guo.
Mababatid na sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na sa Senado muna dapat i-detain si Guo.
Ito ay sa gitna ng tila agawan sa kustodiya sa dating alkalde sa pagitan ng Senado at ng Tarlac Regional Trial Court.
Mababatid ipinaaaresto ng RTC Branch 109 ng Capas, Tarlac si Guo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y makaraang maglabas ng warrant of arrest ang korte dahil sa kasong isinampa ng DILG na graft and corrupt practices act laban sa dating alkalde.