Naitalang bilang ng mga namatay sa leptospirosis sa QC, tumaas pa

Umabot na sa 30 katao ang namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon, City.

Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 406 na ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 31, 2024.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang District 4 ang may pinakamaraming naitalang kaso na may 93, sumunod naman ang District 2 at District 1 na may 73.

Dahil dito, patuloy naman ang isinasagawang Health Awareness Campaign ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang komunidad para sa Leptospirosis, Dengue, at Mpox prevention.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Maliban dito, pinayuhan ang publiko na agad magpa-checkup sa mga health facility kung makakaranas ng mga sintomas ng mga naturang sakit.