PBBM, naniniwalang isa ang overpopulation sa naging sanhi ng matinding pagbaha sa Rizal

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga sanhi ng matinding pagbaha sa buong lalawigan ng Rizal ay ang overpopulation.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa isinagawang situation briefing sa Antipolo City kaugnay sa mga epekto ng nagdaang Bagyong Enteng.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Aniya, posibleng natayuan na ng mga kabahayan ang mga dating daluyan ng tubig o estero, pati na rin ang mga kagubatang kinalbo para sa mga subdivision.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Maari ring ito ang pangunahing sanhi kung bakit nakaranas ng pagbaha ang mga residente sa ibang bahagi ng bansa, lalo na’t umabot na sa 110 bilyon ang mga Pilipino.