Dumptruck, nahulog sa bangin; 1 patay, 8 sugatan

Patong patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng dumptruck matapos mahulog sa bangin na ikinamatay ng isang indibidwal.

Nangyari ang insidente sa Maria Clara, Barangay Lamac, Pinamungajan, Cebu pasado alas 03:00 ng hapon ng Sabado, Agosto 17, 2024.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Sa imbestigasyon, galing sa Linao Cantabaco, Toledo City ang dumptruck at papunta sana sa Dumanjug na minamaneho ni Michael Bestida.

Sakay nito ang 9 na pasahero, pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada nawalan umano ng preno ang sasakyan kaya nahulog sa bangin.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Walo ang sugatan at dead on arrival ang isa sa mga sakay na si Jerome Pasignasigna.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries and damage to property ang haharapin ng driver.