Ama partner ang anak sa pagnanakaw ng motorsiklo, arestado

Arestado ng PNP ang isang ama at dalawa niyang anak na suspek sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa Brgy. Aribungos, Brooke’s Point Palawan noong Miyerkoles, ika-7 ng Hulyo.

Ang suspek ay si Ruben Timbolan Alian, 62-anyos at ang kanyang dalawang anak na edad 14 at 15 anyos.

Read More:  Bullying cited as motive in fatal attack on coworker in Digos

Ito ay naaresto nang magsagawa ng manhunt operation ang PNP matapos ireport ang umanoy pagnanakaw sa motorsiklo na pagmamay-ari ni Mr. Jessie Bagona Ibañez.

Read More:  Face-to-faces classes expected to resume this week in General Santos City

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016) na agad isinailalim sa inquest proceeding.

Samantala, ang mag-amang ito ay una narin ipinetisyon ng mga barangay dahil umano sa kanilang gawaing pagnanakaw.