LTFRB – pinasalamatan si PBBM sa pagtabla sa Senate reso vs PUVMP

Nagpasalamat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kay Pangulong Bongbong Marcos para sa patuloy nitong pagsuporta sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ito ay matapos sabihin ng pangulo na hindi nito sinasang-ayunan ang panawagang i-postpone ang programa.

Read More:  Ex-rep. Kiko Barzaga charged with cyber libel

Ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, ang suportang ito mula sa presidente ay nagpapatibay sa kahalagahan ng modernisasyon sa public transportation system ng bansa para sa kaligtasan, efficiency, at katatagan ng kinabukasan ng bayan.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Binigyang-diin ng presidente na ang programa ay hindi minadali, at na-postpone pa nga ito ng pitong beses.

Samantala, batay sa datos ng Department of Transportation, as of July 17, kabuang 11,165 Philippine National Standards-compliant modern jeepneys o vehicles ang nag-o-operate sa buong bansa.