Paglaganap ng deepfakes sa bansa, iniimbestigahan ng DICT

Tuloy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Information and Communications Technology sa paglaganap ng deep fake sa bansa na bumibiktima sa mga kilalang personality at maging sa mga public officials.

Sa pilot episode kahapon ng Malacañang Insider, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ilan sa mga ito ay tukoy na nila kung sino ang nasa likod.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Lalo na anya sa gumagamit ng AI at deepfakes upang tumaas ang kanilang marketability.

O ang paggamit sa mukha at boses ng mga influencer kahit hindi naman nilala totoong iniendorso ang isang produkto.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Nakikipag ugnayan na rin daw ang DICT sa mga malalaking social media platforms upang ipabura ang mga video na ginamitan ng deep fake.

Nabatid na biktima rin kamakailan ng deepfakes si Pangulong Bongbong Marcos.