Mga residenteng nakapalibot sa Alawihao Dam isinailalim sa training patungkol sa BASIL program ng BFAR

CAMARINES NORTE – Isinailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang residente na nakapalibot sa Alawihao Dam dito sa bayan ng Daet.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam inihayag nito na patungkol ang naturang pagsasanay sa Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) program.

Ito umano ay upang maging aware ang mga residente sa kung ano ang mayroong saailog at kung ano ang pwedeng gawin para maibalik sa dati ang kasaganaan nito.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa naturang training ay tinuruan ng BFAR technician ang mga residente kung paano i- conserve ang mga species na pwedeng dagdagan at magkaroon ng stock enhancement para muling bumalik ang sigla ng ilog.

Matatandaan na inilunsad sa Camarines Norte ang BASIL project noong November 2017.

 Layunin nito na muling buhayin ang mga lawa at ilog sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga katutubong isda sa mga ito .

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Tugon din ito ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng BFAR sa umuunti nang populasyon ng mga isda dahil na rin sa paggamit ng mga kemikal at iba pang iligal na pamamaraan.