36k indibidwal na apektado ng Bagyo at Habagat, nananatili pa rin sa mahigit 100 evaucation centers sa bansa – NDRRMC

Mahigit 2 linggo matapos manalasa ang bagyo at habagat sa bansa – marami pa rin ang bilang ng mga apektadong indibidwal ang nanunuluyan pansamantala sa mga evacuation centers sa bansa.

Sa datos ng NDRRMC, mayroong 8, 323 na pamilya o katumbas ng 36, 467 indibidwal ang nananatili pa rin sa 152 evacuation centers.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sakop nito ang Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA, BARMM at NCR.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na umabot sa 48 ang napaulat na nasawi sa Bagyo at Habagat.

14 pa rin ang kumpirmado habang 34 ang bineberipika pa.