Pinaniniwalaang shabu lab – nadiskubre sa Sarangani; Umano’y financier nito, isang Chinese national

Ni-raid ng mga awtoridad ang isang warehouse na umano’y nagsisilbing shabu lab sa bahagi ng Sitio Sagel, Brgy Pinol, Maitum, Sarangani Province.

Sa ulat ng Sarangani PNP, alas 8:30 ng umaga kahapon ng i-raid ang warehouse sa bisa ng Search Warrant .

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Dito tumambad ang mga pinaniniwalaang illegal drugs equipment na ginagamit para makagawa ng iligal na droga.

Napag-alaman na ang bodega ay matatagpuan sa loob ng isang kampo na inaangkin ng MNLF.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon , patuloy ang malalalimang imbestigasyon ng mga awtoridad para mahuli ang lahat ng sangkot sa iligal na aktibidad kabilang ang isang Chinese national na umano’y nakitang nagpapabalik-balik sa warehouse.