Mga magsasakang lumahok sa Lowland Vegetable Tech Demonstration, nagtapos na

Nagtapos na ang mga magsasakang lumahok sa isinagawang Lowland Vegetable Technology Demonstration and Derby.

Kasabay ito ng isinagawang Harvest Festival kamakailan lang sa Brgy. Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga.

Ang proyekto ay kolaborasyon sa pagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), High-Value Crops Development Program (HVCDP), at mga pribadong kompanya ng binhi at pataba.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ito ay para mapalawak pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagtatanim ng lowland vegetables gamit ang mga makabagong teknolohiya at pagsasanay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nasa 38 na magsasaka naman na miyembro ng Farmers Cooperatives and Associations sa Mabalacat City ang isinailalim sa pagsasanay ng vegetable production, marketing, record keeping, at financial literacy.//Jen Bayot-BNFM

PHOTO: DA Central Luzon