Limang mangingisda, nalambat sa pagsasagawa ng ilegal na pangingisda

Huli ang limang mangingisda na nagsasagawa ng illegal fishing gamit ang spearfishing method at compressor sa karagatang sakop ng Barangay Languyin, Polillo, Quezon.  

Sa gitna ng operasyon nasabat sa mga ito ang mga 18.5 HP at 18 HP diesel, isang compressor, breathing apparatus, at ibat-ibang klase ng isda na tinatayang nagkakahalaga ng ₱81,000.00.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations
Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Samantala, nasa kustodiya na ng Maritime Police ang limang suspek at dalawang bangka na ginamit ng mga ito para sa imbestigasyon.

Sa ngayon, mahaharap sa kasong paglabag sa iligal na pangingisda ang mga suspek.