2 probinsya sa Bicol, may bago nang talagang Provincial Director ng PNP

BNFM BICOL- ITINALAGA na sa mga probinysa ng Camarines Sur at Catanduanes ang dalawang bagong mga Provincial Directors ng Philippine National Police o PNP.

Sa Camarines Sur, itinalaga si PCOL Virgilio O Olalia Jr. bilang bagong  PD, siya ay dating Chief ng Regional Operations Division (ROD).

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Si PCOL Edward D Quijano naman ang magsisilbing bagong Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office na kung saan kaniyang pinalitan si PCOL Ryan V Ador, na ngayon ay magsisilbing nang Chief ng Regional Plans and Strategy Management Division ng Regional Headquarters.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Kaugnay nito, pinangunahan mismo ng Regional Director ng PNP Bicol ang installation sa mga bagong talagang mga hepe ng dalaawang provincial police offices. ### KENNETH BERMIL

COURTESY: PNP Bicol/FB