Water system project ni MP Romeo Sema, magagamit na

Magagamit na sa lalong madaling panahon ng mga residente ng Barangay Margues sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte ang water system project ni MP Romeo Sema.


Kahapon ay personal na tinungo ng opisyal ang lugar kung saan ipinatayo ang nasabing proyekto na mula sa kanyang Transitional Development Impact Fund.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte


Nakatakda naman ang pagturnover sa nasabing water system matapos ang ginawang pakikipagpulong sa mga barangay officials at mga guro sa lugar.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon


Nangako ang mga ito na kanilang iingatan ang naturang proyekto na malaking tulong umano dahil hindi na sila mahihirapan pa na makakuha ng malinis na inuming tubig.