PNP, itinanggi na may nagtungong pulis sa bahay ni VP Duterte para magmanman

Itinanggi ni Philippine National Police Spokesperson PCOL. Jean Fajardo na may nagtungong PNP personnel sa tahanan ni Vice President Sara Duterte para magmanman.

Mababatid na binggit ito ng Bise Presidente sa kaniyang open letter kay PNP chief Rommel Francisco Marbil kaugnay ng pagbabawas ng security personnel sa OVP.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Handa naman aniyang makipag-ugnayan ang PNP kay VP Sara para  i-address ang naturang isyu.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Nakiusap din si Fajardo na huwag ng idamay pa ang buong kapulisan sa anumang political issues.

Samantala, nilinaw naman ni Fajardo na kailangan ng karagdagang pwersa sa Metro Manila kaya binawasan ang security detail ni VP Sara.