Guro, tinodas dahil umano sa away sa lupa

PATAY ang 57 anyos na guro na si Mario Servas Diego ng Barangay San Jose sa Puerto Princesa matapos pagsasaksakin Lunes ng umaga, July 29 sa Purok Pag-asa ng nasabing barangay.

Ang suspek rito ay si Juanico Germano Sonio, 47- anyos na residente rin doon.

Sa imbestigayon ng pulisya, nagtamo ang guro ng mga saksak ng kutsilyo sa dibdib at leeg at hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa report ng PPCPO, na ayon sa dalawang kaibigan ni Mario, pumunta sila sa lote ng biktima at pagdating doon bandang alas-otso ay nakita na lang nila na nakabulagta at naliligo na sa sariling dugo si Mario.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sumuko ang suspek sa mga tanod ng Barangay San Jose at ngayo’y nahaharap na sa kaukulang kaso.

Samantala, sa panayam ng BRIGADA NEWS FM sa ate ng biktima na si Josephine Cabatic, alitan sa lupa ang motibo sa pagpatay sa kanyang kapatid na may tatlong anak.