NSC, pinabulaanan na nagsagawa ng inspeksyon ang China sa barkong lumahok sa RORE mission ng Pilipinas

Itinanggi ng National Security Council na nagsagawa ng inspeksyon ang China sa barkong sumali sa pinakahuling Rotation at Resupply Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Mababatid na sinabi ng isang media outlet sa China na pinayagan umano ng Chinese foreign menistry ang Pilipinas na maglayag ang MV Lapu-Lapu matapos malaman na essential supplies lang ng mga sundalong Pilipino ang dala nito.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Ayon sa NSC, hindi kailanman hihingi ng permisyo ang Pilipinas sa China para magsagawa ng mga RORE mission.

Giit naman ng Department of Foreign Affairs na mali ang pinalalabas ng China sa naging kasunduan ng dalawang bansa kung paano isasagawa ang ganitong uri ng aktibidad sa lugar para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Dagdag pa ng DFA hindi nagbabago ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahit pa may kasunduan.