Mga tindahan sa common terminal sa Narra, nasira ng malaking puno ng Acacia

Nasira ang bubong ng ilang maliit na tindahan sa Common Terminal sa National Highway sa pagitan ng Brgy. Poblacion at Panacan sa Narra, Palawan matapos matumbahan ng malaking punong Acacia.

Sa ulat ng Municipal Disaster & Risk Reduction- Narra, nangyari ito alas-singko ng hapon noong Huwebes, July 25 habang malakas ang pag-ulan.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Nabuwal ang puno dahil sa paglambot ng lupa at sa lakas ng hangin.

Gayunpaman, walang lubhang nasaktan o nasugatan sa pangyayari matapos ang agarang pagtugon ng Training Unit ng MDRRMO na agad na nagtanggal ng mga sanga ng puno.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Samantala, kasabay ng malakas na ulan kahapon, may buhawi rin na dumaan sa karagatan ng Barangay Panacan.