Pangulong Marcos, namahagi ng family food packs habang nag-iikot sa Navotas

Kabilang ang Navotas City sa mga lugar na binisita at inikutan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga residente na apektado ng pagbaha.

Kaugnay nito isinabay na ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng family food packs sa ilang residente na nadaanan nito sa pag iikot sa Navotas city.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nabatid na matapos magsagawa ng situation briefing sa Presidential Security Command sa Malacañang kaninang umaga, sinuong na ng Pangulo ang baha at umikot sa mga evacuation centers kasama ang ilang kalihim ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Unang nagtungo ang Pangulo sa command center ng Valenzuela city saka binisita ang mga bakwit sa Malanday National High school.