DOH, muling nagpaalala sa publiko na huwag lumusong sa baha

Nasa ‘Code Blue’ status ngayon ang Department of Health (DOH) sa Metro Manila, Ilocos region, at Central Luzon sa gitna ng pinsalang iniwan ng Bagyong Carina at habagat.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, may tatlong rehiyon nang nagtaas sa blue alert – ang Metro Manila regional, Ilocos, at ang Calabarzon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ibig sabihin lahat ng hospital sa mga ito ay kinokonsiderang nasa blue alert.

Inilalagay sa ‘Code Blue’ ang isang lugar upang mapagtuunan ng pansin ang koordinasyon sa pagitan ng dispatch teams, experts, at iba pang emergency response agencies.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, patuloy naman ang paalala ni Herbosa sa mga tao na huwag lumusong sa baha dahil sa banta ng leptospirosis.