VM Abu iginiit na di tutol sa pag dredge para maibsan ang problema sa baha sa lungsod

Muling iginiit ni Cotabato City Vice Mayor Butch Abu na hindi tutol ang Sangunian sa gagawing dredging sa Rio Grande de Mindanao na isa sa mga itinuturong dahilan upang maibsan ang tubig baha sa lungsod.

Katunayan, unang humiling ang Chief Executive ng pondo para ibili ng isang dredger na gagamitin nga ng lungsod at ito ay kanila ding inaprubahan.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Pero nitong nakaraang buwan habang nasa Saudi Arabia si Vice Mayor Abu ay mainit na pinag-usapan ang gagawing pagpasok ng City Government sa isang kasunduan para hukayin ang mga silk material sa bahagi ng MB KAlanganan na tinutulan ng mga majority sa myembro ng City Council.

Read More:  Philippine Serpent Eagle rescued in Kidapawan

Dapat anyang ikonsidera din ang kapakanan ng mga residente sa lugar ayon pa sa opisyal.